Breaking News

Share this information:

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga tatakbo sa darating na halalan na mag-ingat sa pagtanggap ng campaign donations.

Sinabi ng Comelec na ang kontribusyon mula sa dayuhan at foreign corporations ay ipinagbabawal. 

Foreigners cannot contribute to any Filipino candidate,” ayon sa tweet ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Inilabas ng Comelec official ang pahayag bilang reaksyon sa paglunsad ng crowdfunding page para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

Sinang-ayunan naman ni Comelec spokesperson James Jimenez ang pahayag ni Guanzon.

Commissioner Guanzon is correct. Contributions from foreigners and foreign corporations are prohibited,” pahayag ni Jimenez

Nagpaalala din si Jimenez sa mga kandidato na mag-ingat sa pagtanggap ng mga donasyon.

Ayon kay Jimenez, lahat ng kontribusyon ay dapat iulat ng mga kandidato kung sila man ay tumanggap ng donasyon mula sa ipinagbabawal na donors.

Sinabi nitong mahaharap sa electoral offense na mga kaso na maaaring magresulta sa diskwalipikasyon ang sinumang mapapatunayang tumanggap ng donasyon o kontribusyon sa mga donors na ipinagbabawal.

Base sa Omnibus Election Code, walang kontribusyon para sa mga layunin ng partisan political activity ang direkta o hindi direktang gagawin ng mga dayuhan at dayuhang korporasyon bukod sa iba pa.

Ang paglabag sa nasabing pagbabawal ay katumbas ng isang pagkakasala sa halalan, na nagdadala ng parusa ng isa hanggang anim na taong pagkakakulong, diskwalipikasyon na makahawak ng pampublikong katungkulan, at pagtanggal ng karapatan sa pagboto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: