Breaking News

Share this information:

PORMAL nang binuksan ng Department of Trade and Industry o DTI nitong Miyerkules ang ika-23 Likha ng Central Luzon Hybrid Trade Fair (LCL TF) sa SM City Olongapo Central.

Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug, bukas ito mula Oktubre 13 hanggang 17 kung saan sumali ang 24 micro, small at medium enterprises o MSMEs mula Bataan at Zambales -15 dito ay pawang food product producers at siyam naman ang non-food products.

Sabay sabay ang aktibidad na ito kung saan nakiisa ang pitong probinsya sa Region 3 o Central Luzon na naglalayong ipagmalaki ang mga lokal na produkto ng Central Luzon para sa pagpapalago at pagpapaunlad ng mga MSMEs sa tulong ng mga institutional buyers at makapag-generate ng maraming benta o sales at makatulong sa mga programa sa trabaho at kabuhayan na inisyatibo ng gobyerno. 

Ang Bataan ay kasama ng Zambales sa SM City Olongapo Central habang ang Aurora ay kasama naman ng Nueva Ecija sa SM Cabanatuan. Sa SM City Pampanga ginanap ang para sa Pampanga, SM City Tarlac para sa Tarlac, at Waltermart Malolos para naman sa Bulacan LCL TF.

Noong bago ang COVID-19 pandemic ay ginaganap ito taun-taon sa SM Mega Trade Hall ng SM Mega Mall sa Mandaluyong City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: