South Korean, timbog dahil sa telco fraud at drug trafficking

Share this information:

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na matagal nang wanted ng mga awtoridad sa bansa nito dahil sa pagkakaugnay nito sa pandaraya sa telekomunikasyon o “telecommunications fraud” at “drug trafficking.”

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Sim Dongwoo, 43 anyos, na inaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa Buenavista, Marinduque.

Inaresto si Sim sa bisa ng isang warrant na may kaugnayan sa summary deportation order na inisyu naman ng BI Board of Commissioners laban sa Koreano, ayon kay Tansingco.

 “We will thus deport him immediately so he could face trial for the crimes he allegedly committed,” ayon kay Tansingco.  “He was already included in our blacklist and perpetually banned from re-entering the country.”

Sa datos ng BI-Interpol unit, nag-isyu na ng red notice laban kay Sim kahit nakapag-isyu na ng arrest warrant ang Seoul central district laban sa kanya.

Si Sim ay kinasuhan ng korte dahil sa panloloko sa kanyang mga naging biktima ng halos 58 million won (US$44,000) dahil sa voice phishing.

Bukod dito, si Sim at mga kasabwat nito ay nangulimbat din ng droga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.