SolGen, hinikayat ng Malacañang na suriin ang sarili kung dapat pang manatili sa puwesto

HINIKAYAT ng Malacañang si Solicitor General Menardo Guevarra na suriin ang sarili nito kung nararapat pa siyang manatili bilang abogado ng gobyerno.

Noong Lunes, naghain ng manifestation at motion ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema at hiniling na i-recuse o alisin ang OSG sa naturang kaso sa paniniwalang walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at ang justice system naman sa bansa ay umiiral o gumagana.

Nanindigan ang OSG na hindi lamang pagiging abogado ng pamahalaan ang tungkulin na kanilang ginagampanan kundi ang maging tagapagtanggol din ng interes ng bayan.

Ginawa ng OSG ang pahayag kasunod ng naging mensahe ng Malacañang tungkol sa pagtanggi nitong kumatawan sa pamahalaan laban sa mga habeas corpus petition ng magkakapatid na Duterte.

Tungkol naman sa posibilidad ng kanyang pagbitiw sa puwesto, sinabi ni Menardo Guevarra na nakasalalay ito sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kung may tiwala pa ito sa kanya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.