Smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.25 milyon, nasabat sa Davao City

ISANG truck na sinasabing may kargang smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P1.25 milyon ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa isang checkpoint sa Brgy. Sirawan, Toril, Davao City.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., hinarang ng mga tauhan ng Task Force Sirawan ang isang van-type Elf truck na may lulang 85 kahon ng mga kontrabando.

Nabigong magpakita ng dokumento tungkol sa kanilang kargamaento ang truck driver na si Robert Penetrante maging ang kasama nitong si Romel Penetrante,

May nakita rin ang mga awtoridad ng ilang ream ng sigarilyo sa dashboard ng truck na bahagi ng kontrabando.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 4712 o “An Act Amending Certain Sections of the Tariff and Customs Code of the Philippines na isasampa laban sa dalawang akusado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.