ARESTADO ang siyam na sabungero matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa isang iligal na tupadahan sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga inaresto na sina Nestor Cator, 62 anyos, Roger Garcia, 47 anyos, Edison Ybañez, 33 anyos, Joel Toñacao, 54 anyos, Ronilo Peronilo, 35 anyos, Arman Enmil, 32 anyos, Rico Barles Jr., 39 anyos, Wilfred Duro, 39 anyos, at Ricky Rivadulla, 34 anyos.
Batay sa imbestigasyon ni PSSgt Michael Oben, dakong alas 11 ng umaga, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Malabon Police Sub Station 3 sa pangunguna ni PMaj. Carlos Cosme sa kahabaan ng Yanga St., Brgy. Maysilo.
Dito, naaktuhan ng mga pulis ang isang grupo na nagsasagawa ng iligal na tupada sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska ng mga pulis sa lugar ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P4,100 bet money.
Dinala ang mga dinakip sa himpilan ng pulisya saka sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 amended by R.A 9287 (Illegal Cockfighting locally known as “Tupada”).

