Breaking News

Share this information:

SA kulungan ang bagsak ng isang construction worker matapos magwala at manlaban sa mga barangay tanod na sumita sa kanya sa hindi pagsuot ng face mast at paglabag sa curfew sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong Direct Assault at Alarms and Scandal ang suspek na kinilalang si Mark Angelo Torres, 20 ng No. 21 Guava Road, Brgy. Potrero.

Sa report nina Police Investigators PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol kay Malabon Police Chief Col. Albert Barot, dakong alas-12 ng hating gabi, nagpapatrolya ang mga barangay tanod ng Brgy. Potrero sa kahabaan ng Guava Road nang makita nila ang suspek na walang suot na face mask at lumabag sa curfew.

Inimbetahan ng mga tanod si Torres sa kanilang barangay para sa documentation subalit bigla na lamang itong nagwala at pinagsisigawan ng masasamang salita ang mga arresting officers.

Inawat siya ng mga tanod subalit, hindi sila pinansan nito at nagpatuloy sa pagwawala na naging dahilan upang arestuhin ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: