Breaking News

Share this information:

SA susunod na buwan magkakaroon ng assessment ang Department of Health kung masasabi nang matatag ang suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa upang mapalawig pa ang mga sektor na babakunahan.

Tugon ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang tanungin kung maisasalang na rin sa bakunahan ang mga nasa category B tulad ng mga guro, social workers at iba pang government at essential workers sa darating na Agosto.

Sinabi ni Vergeire na nakadepende kasi sa suplay ng bakuna kaya’t dahan-dahan ang pagpapalawig o expansion ng populasyon na binabakunahan laban sa COVID-19 virus.

Kung matutukoy na matatag o magtutuluy-tuloy na ang pagdating ng COVID-19 vaccines sa Hulyo, pupuwede na aniyang umpisahan at isabay ang iba pang sektor na nasa vaccination priority list ng gobyerno.

Ngayong araw ay umarangkada ang bakunahan ng national government para sa mga essential worker na nasa A4 category na tinatayang aabutin ng 35-milyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: