Breaking News

Share this information:

INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang pagbabakuna sa A4 priority group o economic frontliners sa mga itinalagang vaccination sites sa lungsod.

Muling nanawagan si  Mayor Oscar Malapitan sa lahat ng kabilang sa priority group na magpabakuna para sa COVID-19 at magpa-schedule na o mag-walk in.

Sa mandato ng  Inter-Agency Task Force (IATF), kasama sa A4 priority group ang mga manggagawa sa pribadong sektor na kinakailangang pisikal na naroroom sa kanilang itinalagang pagtratrabahuhan, mga kawani ng ahensiya ng gobyerno, kabilang din ang mga government owned controlled corporation (GOCC) at mg local government unit.

Kabilang rin  ang mga informal sector, private households at mga self employed workers na maaring nagtratrabaho o kinakailangang lumabas ng kanilang tahanan.

Magdala lamang ng Valid ID, sariling ball pen at kailangan may sout na facemask at face shield ang magpapabakuna.

Isa lamang sa dinagsa kahapon ng umaga sa mga nagpabakuna ang Caloocan City Medical Center North at South gamit ang Sinovac at AstraZeneca na nanggaling sa pamahalaang nasyunal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: