TATLONG oras lamang na curfew ang ipatutupad sa lungsod ng Makati sa simula ng ‘Simbang-Gabi’ para makadalo sa misa ang “Makatizens”.
Kabilang ito sa updated guidelines ng Executive Order No. 25 ni Makati City Mayor Abby Binay.
Samantala, sinimulan na nitong Oktubre 20, araw ng Martes ang apat na oras na curfew mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4: 00 ng madaling araw habang nasa ilalim parin ng General Community Quarantine ang lungsod.
Pagsapit naman ng Disyembre 16, 2020 ang curfew hours ay hanggang alas 3:00 ng madaling araw lang upang mabigyang-daan ang pagnanais ng mga Katoliko na makadalo sa ‘Simbang Gabi.’
Exempted naman sa curfew ang mga nagtatrabaho na may schedule ang pasok sa loob ng curfew hours, mga health worker, authorized government officials, sa mga lumalabas ng bahay dahil sa medical at humanitarian reasons, mga patungo sa airport para sa travel abroad, mga taong ang trabaho ay nasa basic services at public utilities, mga taga deliver ng pagkain at gamit,at essential workforce ng city government.
Hindi rin maaring lumabas ng bahay ang mga menor de edad maliban sa medical emergencies.
Ang mga establsiyemento naman na nais mag-operate ng exclusive delivery services sa loob ng curfew hours ay kailangang ilagay ito sa Notice of Re-opening at ang hintayin ang confirmation sa pamamagitan ng email mula sa Business Permit and Licensing Office
(BPLO).