MAHIGIT P400 milyon na halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang bodega sa Paid Cargo Warehouse sa Pasay City nitong Lunes.
Ang nasabing kargamento ay galing ng Guinea, Africa na sinasabing mga spare parts.
Dahil sa kahina-hinalang imahe na nakita ng NAIA Customs X-Ray operatives, isinagawa ang physical examination ng Customs Examiner at natuklasan ang 58.93 kilos ng shabu.na may kabuuang P400,724,000 ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng PDEA ang consignee na nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).