Daan-daang mga PDL, pinakawalan ng DOJ at BuCor

PINAKAWALAN ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ang daan-daang mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba’t-ibang bilangguan at penal farms.

Ayon sa ulat ng BuCor, kabilang sa 401 PDLs na pinakawalan, 163 ang nagmula sa New Bilibid Prison (NBP), 99 mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPFF), at 47 mula naman sa Leyte Regional Prison.

Iniulat naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 25 inmates ang pinakawalan sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Patuloy aniya ang DOJ sa mga ipinatutupad na reporma sa BuCor, partikular ang pagpapaluwag sa mga bilangguan sa pagpapalabas na sa mga inmates na karapat-dapat.

Mula sa maximum security ang 59 sa 163 na pinakawalan habang ang 86 mula sa medium security at 12 sa minimum security habang apat ang mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC).

Karamihan  o 169 sa kanila ay pinakawalan dahil sa pagkuwalipika sa parole, 106 dahil sa pagtatapos na ng kanilang “maximum sentence” na may kasamang Good Conduct Time Allowance.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.