Senator Go hiling ang tagumpay ng mga atletang Pinoy na sumasabak sa Tokyo Olympics

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go ang suporta sa mga atletang Filipino na kalahok sa 2020 Tokyo Olympics na pormal na nagbukas noong July 23 at sa Paralympics na magsisimula sa August 24.

Hiling ni Go ang tagumpay at kaligtasan para sa mga atletang sasabak sa Olympics.

“Ang sports po ay isang paraan para magkaisa tayo at maipagmalaki ang galing ng kapwa nating Pilipino. Umaasa po tayo na maging matagumpay ang ating mga atleta na sasabak sa Olympics. Higit sa lahat, sana ay maging ligtas sila lalo na laban sa anumang sakit,” ani Go.

Ayon kay Go na siya ring chairperson ng Senate Committee on Sports kumpiyansa siyang magiging maganda ang performance ng mga atleta ng bansa.

“Ako, ine-expect ko na makakuha tayo ng ginto. Meron tayong ipinadalang 19 athletes sa Olympics at lima naman para sa Paralympics,” ani Go.

Hiling ni Go ang tagumpay para sa lahat ng atleta at makapaguwi ng inaasam na gintong medalya.

Kasabay nito kinilala ni Go ang dedikasyon ng mga atleta sa pagbibigay ng pride sa bansa.

Tiniyak ni Go na patuloy na isusulong ang kapakanan ng mga atleta lalo ngayong may pandemya.

“Isang malaking karangalan na po ang mapabilang sa 24 na atleta na nagre-representa sa bansa sa Olympics at Paralympics. Kaya naman, manalo o matalo, saludo ako sa atletang Pilipino,” dagdag ni Go.

Kasunod ng hiling ng Philippine Sports Commission na ipinadaan sa tanggapan ni Go ay inaprubahan ng Office of the President ang dagdag na allowance sa mga atletang sasabak sa Olympics at Paralympics.

Dagdag na P100,000 na allowance ang inaprubahan ni Pangulong Duterte blilang token na din sa mga atleta.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.