Seguridad sa Manila North Cemetery, hinigpitan pa

Share this information:

HABANG papalapit ang pagdiriwang ng Undas ay mas naghigpit naman ang pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) sa mga bumibisita sa mga mahal nila sa buhay na nakahimlay sa naturang sementeryo.

May mga pulis nang nakabantay at mahigpit na iniinspeksyon ang mga dala-dalahan ng mga dumadalaw.

Ilan sa mga nakumpiska ay mga pakete ng sigarilyo, matutulis na bagay na panlinis sa puntod at lighter. 

Upang maging maayos at organisado ang daloy ng tao, iba ang entrance at exit sa sementeryo.

Ang mga sasakyan ay hindi na rin pinapayagang pumasok kaya naman ang mga may dala ng sasakyan ay kailangang maglakad papasok ng MNC o di kaya ay sumakay ng tricycle na pumapasada sa mismong loob ng sementeryo.

Pinapayagan na lamang ang publiko na dumalaw sa sementeryo hanggang alas-5 ng hapon hanggan sa Oktubre 28 dahil ang MNC ay isasara na mula sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.  

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Cardinal Tagle, itinalaga ni Pope Francis na pangunahan ang isang "beatification" ceremony sa Mayo 2022

Thu Oct 21 , 2021
ITINALAGA ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for Evangelization of Peoples na manguna sa beatification ceremony ni Venerable Pauline-Marie Jaricot. Ayon kay Father Brian Lucas, National Director ng Catholic Mission, itinakda ang beatification sa May 22, 2022. Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-200 anibersaryo ng pagkakatatag […]
%d bloggers like this: