Search and Retrieval operation ng Japan sa mga nawawalang tripulante ng Gulf Livestock 1, itinigil na

Mismong ang kalihim ng Department of Labor na si Secretary Silvestre Bello III ang nag anunsyo sa pagtigil ng Japanese authorities sa paghahanap sa mga nawawala pang tripulante ng foreign cargo vessel na Gulf Livestock 1.

Ayon kay Bello, ang paghinto sa operasyon ay ibinalita sa kanya ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Osaka, Japan.

Kabilang pa sa pinaghahanap sa karagatan ng Japan ay ang dalawang New Zealander, dalawang Australian at ang 36 na Filipino.

Una ng nasagip ng Japan Coast Guard ang dalawang pinoy habang patay na ng makuha ang bangkay ng isa pang Filipino.

Gumamit ang Japan ng dalawang eroplano, tatlong patrol boats at mga diver sa mahigit isang linggong search and rescue operations.

Aniya, wala naman na silang magagawa dahil hindi nila maaaring panghimasukan ang desisyon ng gobyerno ng Japan.

Isa naman sa malaking inaalala ni Bello kung paano ipaparating sa kaanak ng mga nawawalang Filipino ang naging hakbang ng Japan.

Nagmula sa New Zealand ang Gulf Livestock 1 at patungo sa China para ihatid ang nasa mahigit 5,000 baka.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.