Breaking News

Share this information:

Iniligtas ng Manila Police District (MPD) ang nasa pitong menor de edad na kabataan na pakalat kalat sa Binondo, Maynila nitong Miyerkules ng gabi (September 9, 2020).

Nabatid sa Manila Public Information Office, nasagip ng mga tauhan ng Juan Luna PCP ng Meisic Police Station (PS-11) ang mga menor de edad sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue.

Kasunod ito ng isinasagawang routine clearing operations at checkpoint ng mga pulis sa kahabaan ng lansangan.

Agad namang dinala ang mga menor de edad sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa RASAC Covered Court.

Maliban dito, nahuli naman ang 10 lumabag sa City Ordinance No. 8627 at dalawang motorista dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at binigyan ng citation ticket.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.