School of medicine, itatayo sa Bataan

Share this information:

NAKATAKDANG itayo sa lalawigan ng Bataan ang isang school of medicine upang magkaroon ng mga homegrown doctors alinsunod sa mandato ng Republic Act 11509 na pangunahing iniakda ni Sen. Joel Villanueva.

Ang RA 11509 o ang “Doktor Para sa Bayan Act” ay nilagdaan ni Pangulong Duterte bilang batas noong Disyembre 23, 2020.

Ayon naman kay Gob. Albert Garcia, napag-usapan nila ni Sen. Villanueva ang pagtatayo ng paaralan para sa mga doktor sa state-owned Bataan Peninsula State University (BPSU) sa Balanga City kung saan mayroon nang nursing school.

Ngayong pandemic ay nakita ang kahalagahan ng mga healthcare (workers), mga doktor, nurses kaya we need to produce more in the medical field na malaki ang maitutulong ni Senator Villanueva,” pahayag ni Garcia.

Dagdag pa ng gobernador, ang pagkakaroon ng mas maraming doktor sa lalawigan ay aayon sa kanilang pananaw na makamit ang pinakamataas na human development index kung saan binibigyang prayoridad ang pag-asa sa buhay at kalusugan.

Sinabi pa ng senador na ang pagtatatag ng school of medicine sa Bataan ay upang mabigyan ang mga mag-aaral ng medical scholarship ng gobyerno na may libreng tuition, uniporme, living allowance, boarding, lodging, transportasyon, iba pang pangangailangan sa paaralan, at kahit na suriin ang mga bayarin at insurance.

Ayon pa kay Villanueva, sa ngayon, may humigit-kumulang 209 na munisipyo sa buong bansa na wala ni isang doktor kaya kailangan nila itong gawin.

Napag-alaman din na may 10 rehiyon sa bansa na walang isang pampublikong paaralan na nag-aalok ng school of medicine kasama ang Region 3 o Central Luzon.

Dagdag pa ni Villanueva, nag-allocate sila ng badyet na P1.6 bilyon at nagdagdag din ng P2.6 bilyon sa darating na taon para sa Doktor para sa Bayan Act para makapagtayo ng mas maraming school of medicine kabilang ang Cebu, Zamboanga City, at Davao.

(PHOTO CREDIT: 1Bataan Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bagong Manila Zoo, malapit nang magbukas

Sat Dec 11 , 2021
BUBUKSAN na sa publiko ilang linggo mula ngayon ang bagong Manila Zoo matapos itong sumailalim sa malawakang pagpapaganda at pagsasaayos. Ang redevelopment ng New Manila Zoo, na sasaklaw ng mahigit sa 51,000 square meters, ay magkakaroon ng bago at kapana-panabik na mga pasilidad.  Kabilang dito ang isang museo, isang restaurant, isang […]
%d bloggers like this: