Bagong Manila Zoo, malapit nang magbukas

Share this information:

BUBUKSAN na sa publiko ilang linggo mula ngayon ang bagong Manila Zoo matapos itong sumailalim sa malawakang pagpapaganda at pagsasaayos.

Ang redevelopment ng New Manila Zoo, na sasaklaw ng mahigit sa 51,000 square meters, ay magkakaroon ng bago at kapana-panabik na mga pasilidad.

 Kabilang dito ang isang museo, isang restaurant, isang beterinaryo na ospital, mga bagong tirahan ng mga hayop, isang coffee shop at isang bagong parking area.

Sa nalalapit na pagbubukas ng bagong Manila Zoo, inaasahang magiging kahalintulad nito ang ilang mga sikat na zoo sa buong mundo, tulad ng kilalang Singapore Zoo, na naging paboritong atraksiyon sa mga lokal at dayuhang turista, at pati na din sa mga pinakamagagandang zoological at mga botanical garden sa ibang bansa.

Pahayag ni Manila Mayor Francisco Domagoso, malapit nang masaksihan ang isang zoo na maaaring ituring na isa sa pinakamahusay sa Asya na pwedeng ipagmalaki ng mga Manilenyo dahil sa malaking pagbabago nito.

Sino gustong pumunta ng zoo? Malapit ng matapos ang Manila Zoo. Gusto ninyong pumunta? Ito ay lumuwag, umayos at gumanda. Tingin ko in a matter of few weeks matatapos na. Matutupad na natin ang pangarap natin na lumaban sa Singapore Zoo dahil sa may Manila Zoo tayong mga batang Maynila. Galing po ako nung isang araw, sumilip po ako. Naku, matutuwa po kayo,” pahayag ni Domagoso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.