Breaking News

Share this information:

ARESTADO ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang indibidwal na nagpapakilalang ahente ng NBI at pagkatapos ay mangingikil ng pera.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang suspek na si  Charlestone Mesa Cañales.

Ayon sa NBI, nagreklamo ang complainant kaugnay sa isang indibidwal na nanghihingi umano ng halagang P200,000 bilang mobilization fee sa kanilang paghingi ng tulong nang magkaproblema sila sa seller ng biniling dump truck.

Ang suspek ay ipinakilala sa complainant ng kanyang kaibigan ngunit nang magduda na hindi ito totoong ahente ng NBI, agad nila itong inireport sa NBI-SAU.

Pinayuhan ng NBI-SAU ang complainant na babaan sa P100,000 ang hinihinging pera kung saan napagkasunduang magkita sa parking lot ng isang bangko sa Quezon City.

Sa puntong ito, nakaposte na ang mga ahente ng NBI-SAU sa ikinasang entrapment operation na nagresulta ng pagka-aresto ng suspek.

Narekober sa suspek ang marked money, NBI badge, smart phone, jacket na may  NBI logo, voter’s ID sa ilalim ng kanyang pangalan, black holster, at facemask na may NBI logo.

Sinampahan na ng kasong Usurpation of Authority, Extortion, at paglabag sa  Anti-Red Tape Act of 2007 ang suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: