NIYANIG ng magnitude 5.7 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental at sinundan ito ng mas malakas na aftershock, Miyerkules ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-11:41 ng umaga nang ma-monitor ang lindol na may lalim na 65 kilometero.
Bandang alas-3:18 ng hapon naman nang maitala ang magnitude 6.3 na lindol.
Gayunman, hindi na inaasahan ng Phivolcs na makapagdudulot ng pinsala ang malakas na pagyanig.