5 ASG patay sa engkuwentro sa Zamboanga Sibugay

NAPATAY sa pakikipagsagupa sa militar ang limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Zamboanga Sibugay, Miyerkules ng umaga.

Nabatid mula kay Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesperson Lieutenant Colonel Alaric Delos Santos, nagsasagawa ng security operations ang mga tauhan ng 44th Infantry Battalion at Zamboanga Sibugay Provincial Police Office nang maka-engkuwentro ang tinatayang sampung bandido sa Sitio Limuno, Barangay President Roxas.

Dalawa sa mga sundalong nakipagbakbakan ay nasugatan sa insidente ngunit nasa stable nang kondisyon.

Narekober naman sa lugar ang apat na matataas na kalibre ng armas tulad ng M16 at M14 rifle.

Patuloy nang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga nakatakas na miyembro ng ASG partikular na ang grupo nina Abral Abdusalam at Sahibad Group na pinamumunuan ni Furuji Indama, na lider ng Abu Sayyaf sa Basilan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.