Santo Papa, muling nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan

NANAWAGAN si Pope Francis sa mga Kristiyano sa buong mundo na manalangin at isagawa ang pag-aayuno upang hilingin sa Diyos na magdala ng kapayapaan at pagkakaroon ng buhay sa Afghanistan.

Sa kanyang Lingguhang pagpapala, sinabi ng Papa sa mga turista at mga pilgrims  sa St. Peter’s Square na sinusubaybayan nito ang mga kaganapan sa Afghanistan ng may lubos na pag-aalala. Sinabi niyang nakikiisa siya sa pagdurusa ng mga nagdadalamhati na namatayan ng kamag-anak o kaibigan sa nangyaring suicide bombing sa Kabul airport noong Huwebes.

Sinabi din ng Santo Papa na malapit siya sa “mga humihingi ng tulong at proteksyon,” isang maliwanag na sanggunian sa mga nagtatangkang umalis sa bansa.

I ask all to continue to help those in need and to pray so that dialogue and solidarity can bring about a peaceful and fraternal coexistence that offers hope for the future of the country,” sinabi pa ng Santo Papa

As Christians, this situation commits us. And because of this I appeal to everyone to intensify prayer and carry out fasting, prayer and fasting, prayer and penitence. Now is the time to do it.”

Sa nangyaring pag-atake noong Huwebes, kumitil ng  maraming Afghans at 13 tropang Amerikano sa labas ng gate ng paliparan, kung saan libu-libo ang nagtipon upang subukang makalipad paalis ng bansa mula nang bumalik sa kapangyarihan ang Taliban.

Sa Afghanistan, kakaunti lamang ang Kristyano at halos lahat sa kanila ay mga dayuhan sa mga embahada o aid workers.

(PHOTO CREDIT: CBCPNews.net)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.