Huwag magsama ng marami sa pag-file ng COC — Comelec

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy para sa 2022 national at local elections na limitahan ang kanilang mga bitbit na kasama upang maiwasan ang pagsiksikan ng mga tao sa tanggapan ng komisyon.

Ang paalala ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa ilang mga personalidad ay huwag nang pumunta sa Comelec para sa filing ng COC at hayaan na lamang ang kanilang mga kandidato ang siyang magpunta.

Giit ni Jimenez, kailangang maging ligtas ang bawat isa sa gitna ng pandemya.

We are reminding those that will be filing their COCs to limit the number of people you will take with you,” pahayag ng opisyal sa isang media forum.

Paliwanag ni Jimenez na ang kaligtasan sa aktibidad ay isang pagbabahagi ng responsibilidad, at hindi lamang ng Comelec.

“I would like to point out that keeping people safe is not exclusively the Comelec’s problem. It is everyone’s problem,” pahayag ni Jimenez

The responsibility is with them also to act safely,” anang  Comelec spokesperson.

Tiniyak din ng opisyal na magpapatupad din ng karagdagang pag-iingat upang maiwasan ang paglabag sa kanilang guidelines.

Ayon sa Comelec, sa October 1 hanggang 8 na ang filing ng COC.

Sinabi ni Jimnez na posibleng maglagay ng iba’t-ibang venue para sa filing ng COC upang mapanatili ang physical distancing.

Bago ang pandemic, ang  aktibidad ay ginaganap sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Maynila kung saan ang mga kandidato para sa pangulo, bise-presidente, senador, at partylist ay karaniwang naghahain ng kanilang mga COC.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.