Sampaguita vendor sinaksak ng dalawang kapitbahay

Share this information:

KRITIKAL ngayon ang isang sampaguita vendor matapos pasukin at saksakin ng dalawang kapitbahay nito habang kainuman ng biktima ang dalawang kaibigan sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, Miyerkules ng gabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ang biktimang si Mark Clarence Garcia, 23-anyos ng Barangay Maysilo habang pinaghahanap ang mga suspek na kinilalang si Jomel Cedillo, 22, at Sargie Flores, 27.

Sa ulay na ipinarating kay Malabon City Police Chief Col. Angela Rejano, dakong 11:25 ng gabi habang kainuman ng biktima ang dalawang kaibigan na si “John John” at “Anot” sa loob ng kanyang bahay ay pumasok ang mga suspek.

Sa hindi malaman na dahilan, inundayan umano ni Cedillo ng dalawang saksak sa dibdib ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

Isinugod ang biktima sa Women’s Children Hospital at kalaunan ay inilipat sa VGH habang narekober naman ng mga rumespondeng barangay sa insidente ang ginamit na patalim sa pananaksak.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.