Nakiisa ang Bayan ng Samal sa pamumuno ni Mayor Aida Macalinao sa libreng pagpapakain o feeding program na 10.10.10k ng Gawad Kalinga sa buong bansa nitong Sabado, Oktubre 10. 2020.
Ayon kay Macalinao, alas 10 ng umaga ng magsimulang mamahagi sila nang sabay sabay ng food packs sa may 50 bata na may edad lima hanggang siyam na taong gulang sa 14 barangay ng Samal, Bataan.
“Bawat food pack po ay may lamang kanin, nilagang itlog at fried chicken at sinamahan din namin ng bottled water,” pahayag ni Yorme Aida sa panayam ng media.
Labis naman ang naging tuwa ng mga batang nakatanggap ng food packs.
Ang 10.10.10k feeding program ay proyekto ng Gawad Kalinga na sabayang pagpapakain sa 10,000 kabataan sa buong bansa.