Sa BARMM na lang walang Delta variant – DOH

Share this information:

MAY natukoy nang kumpirmadong lokal na kaso ng Delta ng variant ng COVID-19 sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Iyan ang sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau bagamat nilinaw na hindi ito nangangahulugan na talagang walang kaso ng Delta variant sa BARMM.

Sinabi De Guzman na maaaring hindi pa na-detect o natukoy ang mas nakahahawang COVID-19 variant sa BARMM ay dahil kaunting samples lamang ang nakukuha mula sa rehiyon.

“Sa ngayon, BARMM na lamang po ang hindi na natin nadedectan ng local Delta case. ‘Yun ay maaaring dahil sa kaunting samples na nakukuha natin from that region,” ayon kay De Guzman.

Nauna na ring sinabi ng DOH na ang BARMM ay isa sa mga rehiyon sa bansa na may problema sa pagpapadala ng samples para sa genome sequencing dahil sa mahirap na transportasyon.

Samantala, sinabi rin ni De Guzman na sa lahat ng rehiyon at lungsod sa Metro Manila ay mayruong Alpha o Beta variant ng COVID-19 pero ang P.3 variant na unang na-detect sa Pilipinas ay natukoy na sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.