UMAPELA na ang Diocese of Sorsogon sa mga mananampalataya para sa donasyon upang makatulong sa mga apektado ng pagputok ng bulkang Bulusan.
“As per Municipal Disaster Risk Reduction Management (of) Juban, beddings, masks, food packs, bottled water are the immediate needs in the Evacuation Center plus respiratory meds/interventions,” sinabi ni Rev. Fr. George Fajardo, Caritas Sorsogon director, sa isang panayam sa Radyo Veritas.
Inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Mt. Bulusan sa alert level 1 kasunod ng phreatic eruption noong Linggo, kung saan pinagbabawalan na ang mga tao na pumasok sa apat na kilometrong permanenteng danger zone nito.
Batay sa monitoring ng Caritas Sorsogon, nasa 45 pamilya o mahigit 150 katao ang nasa evacuation center ngayon sa bayan ng Juban.
Sinabi ni Fajardo na walang naiulat na lumikas sa mga simbahan, ngunit nakikipag-ugnayan sila sa mga local government unit para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.
“Currently, there are no evacuees in the Irosin and Juban Churches. The immediate danger is the inhalation of ash so the LGUs (local government units) have an advisory to stay at home and use a facemask, hopefully, it will rain these days to remove the ash from the roofs and roads,” sabi pa ng pari.