Babaeng negosyante, patay nang maatrasan ng sariling sasakyan

Share this information:

DEDBOL ang negosyanteng babae nang biglang umatras ang nakaparada nitong pick-up truck sa bayan ng Aguilar sa Pangasinan.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng nasawi na si Aida Reyes, 55-anyos, residente ng Barangay Manlocboc.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakatayo lang ang biktima sa harapan ng kanilang gate nang biglang umatras ang sasakyan at nasagasaan ito.

Bagamat naisugod sa ospital, hindi na rin umabot ng buhay si Reyes.

Sinasabing nakaparada ang pick-up sa pataas na bahagi ng kalsada malapit sa bahay ng biktima at posible umanong hindi kumagat ang handbreak kaya’t umusad.

Gayunman, patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang dahilan ng pag-atras ng sasakyan at ang sinasabing mechanical error kaya’t nagdulot ito ng trahedya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.