Rider, inararo ng 10-wheeler, patay

NAMATAY sa mismong pinangyarihan ng insidente ang isang rider nang araruhin ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang 10-wheeler truck na may tractor head sa Imus City, Cavite Lunes ng gabi. 

Hindi na nadala pa sa ospital ang biktimang si Pedro Olaso Jr. ng Block 8 Lot 23 Gpl1 Brgy Malagasang 2-A, Imus City, Cavite dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Kinilala naman ang driver ng Shacman Tractor Head na may plakang NCY 4414 na si Ardy De Andres, 36 anyos. 

Sa ulat ni  Pat. Gerald San MIguel ng Imus City Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo galing norte patungo sa direksiyong pa-timog habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy Pailco 3, Imus City, Cavite dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi nang araruhin ang kanyang sasakyan ng isang 10 wheeler truck na minamaneho ni De Andres.

Lupaypay na bumagsak ang biktima sa kalsada habang ang kanyang motorisklo ay patuloy na umaandar palayo sa lugar.

Agad na namatay ang biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.