Breaking News

Share this information:

PATULOY umano ang pagbaba ng COVID-19 reproduction number sa tinaguriang “NCR Plus 8.”

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) ay nasa 0.83 na lamang hanggang nitong Oktubre 2, 2021 mula sa dating 0.98 noong nakaraang linggo.

NCR Plus Eight as of 10.2.21. NCR Reproduction number is 0.83.  All Regions in Plus Eight also showing downward trend,” ayon kay David na inihayag niya sa kanyang Twitter account.

Sinabi ng OCTA na sa mga lugar na sakop ng NCR Plus 8, ang Davao City ang nakapagtala ng pinakamataas na reproduction number na nasa 0.89, kasunod ang Pampanga at Rizal na may 0.85 naman habang ang NCR ay nasa 0.83.

Mas mababa naman ang reproduction number sa Batangas na nasa 0.74 na lamang, kasunod ang Bulacan na nasa 0.70, Laguna na may 0.68, Cebu City na may 0.66, at Cavite na may 0.63.

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring mahawa ng isang pasyente ng COVID-19.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: