NAGDESISYON ang Quezon City Prosecutor’s Office na ibasura ang reklamong cyberlibel na inihain ni dating Senator Antonio Trillanes IV laban kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Ang reklamo laban kay Roque ay nag-ugat sa lumabas na video clip sa kanyang mga social media account noong Abril 1, 2024 na nagsabing nagkaroon ng lihim na pakikipag-ugnayan si Trillanes sa China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.
Magugunitang nagsilbi o tumayo bilang backdoor negotiator si Trillanes sa China noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino habang nasa kasagsagan ng Scarborough Shoal standoff noong 2012.
Magugunitang nagpresenta si dating Senate President Juan Ponce Enrile ng ilang mga notes o liham mula sa dating Philippine Ambassador to China Sonia Brady na nag-aakusa kay Trillanes na nilaktawan nito ang kapangyarihan ng official diplomatic channel kaya nakompromiso ang national security, na dapat sana ay nasa hurisdiksyon ng isang ambassador.
Samantala, nawala sa kontrol ng Pilipinas ang Scarborough Shoal nuong 2022.

