Breaking News

Share this information:

HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH)  na magkaroon ng regular testing sa mga bata na lalahok sa gagawing pilot run ng limited face-to-face (F2F)  classes sa bansa bago pumasok ng paaralan.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isinagawang virtual Department of Education (DepEd)- DOH joint memorandum circular ceremonial signing para sa Pilot Implimentation ng Face to Face Learning Modality for Basic Education, hindi nila ito inirerekomenda base sa risk-base protocol.

Sinabi nitong tuwing umaga ang mga indibidwal mula sa mga guro, school staff at mag-aaral na makikitaan ng simtomas sa gagawing medical assessment ay agad i-isolate pero hindi kailangang isailalaim sa regular test.

Ayon pa kay Vergeire, kahit hindi naman pumunta ng eskuwelahan ay nariyan ang peligro kaya naman sakaling magkaroon ng infection ay mapapamahalaan ito dahil may protocol na sinusunod.

Sinabi naman ni Dr. Ana Ong- Lim ng DOH-TAG, ang gagawing F2F pilot implementation ay hindi naman naiiba sa ibang sektor na pinayagang magbukas.

Ayon kay Ong-Lim, dahil sa naging karanasan sa nakaraang taon, inaasahan nang maaagapan ng maaga kung saan aware at alerto na ang bawat indibidwal sa ngayon.

Samantala, sinabi naman ni DepEd Secretary Leonor Briones na sakaling magkaroon ng “surge” sa mga eskuwelahan ay agad na magkakaroon ng overall lockdown.

Sabi niya,ito ay maihahalintulad din ng naoobserbahan sa maraming bansa na nagdedesisyon ang ministry of education na isara ang eskuwelahan pansamantala.

Dagdag pa nito na mayroon din contingency plan ang DepEd, gayundin ang mga eskuwelahan na mapipili para sa nasabing pilot run.

Sa ngayon nasa 100 eskuwelahan  sa iba’t-ibang school division sa mga rehiyon ang natukoy na maaaring makasali sa limited  F2F pilot implimentation.

Nilinaw naman ni Briones na ang gagawing F2F ay ibang iba sa face-to-face na nakasanayan, hindi tulad noon na limang araw at anim na oras araw-araw.

Giit ni Briones, makikita ng publiko at ng karamihan kung ano ang F2F sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Inaasahan naman ng DepEd na makikilahok ang mga guro at mga mag-aaral sa nasabing implementasyon ng ligtas.

Una nang sinabi ng DepEd na posibleng sa Oktubre ang simula ng pilot implementation ng limited F2F sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: