Breaking News

Share this information:

‘ANG pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” ang 2019 Star Cinema blockbuster na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Allen Richards ay humakot ng mga parangal sa katatapos lang na 36th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awads for Movies.

Ang Best Actor award ay iginawad kay Alden Richards na gumanap bilang Ethan sa nasabing pelikula.

Ang iba pang napanalunang award ng pelikula ay ang “Best Director” award para kay Cathy-Garcia Molina, si Maricel Laxa bilang “Best Supporting Actress,” at “Movie Screenwriter of the Year” naman para kay Cathy Garcia-Molina, Carmi Raymundo, Rona Co.

Nagwagi rin ang pelikula bilang Movie of the Year.

Nag-viral din naman ang post ni Kathryn na kung saan ay may larawan ng kansintahang si Daniel Padilla. Nagpasalamat si Kathryn sa kanyang nobyo sa pagsuporta at pagtitiwala nito sa kanya.

Ayon sa aktres, kung hindi dahil kay Daniel ay hindi niya magagawa ang pelikula. Sa isang interview, nagbalik-tanaw ang aktres sa pinagdaanan nila ni Daniel para matagumpay na magawa ni Kathryn ang karakter.

Yung sinabi ko sa post ko na, ‘My success is yours and your success is mine’ because if not for DJ, hindi ko magagawa yung Hello Love, Goodbye kung hindi siya pumayag,” ayon kay Kathryn.

Ngayon ay busy ang dalaga sa kanyang business at YouTube videos.

(PHOTO CREDIT: astig.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: