Red tide alert, nakataas sa 10 lugar sa bansa — BFAR

Share this information:

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkuha at pagkain ng shellfish mula sa 10 baybayin sa bansa na mayroong banta ng red tide toxins.

Sa Shellfish Bulletin No. 06 na ipinalabas ng BFAR, natukoy sa mga pagsusuri ng laboratoryo nito na ang ilang lamang-dagat mula sa coastal waters sa bansa ay nagpakita ng positibong presensya ng paralytic shellfish poison na higit sa regulatory limit.

Kabilang sa mga baybayin na apektado ng red tide ay ang Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan; Sorsogon Bay sa Sorsogon; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Calubian, at Cancato Bay, Tacloban City sa Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay (Sapang Dalaga at Baliangao) at coastal waters ng Ozamiz City sa Misamis Occidental; Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish sa mga nabanggit na baybayin, gayundin ang alamang, ay hindi ligtas kainin ng tao.

Gayunman, pupuwede pa umanong ikonsumo ang mga isda, pusit, hipon at alimasag ngunit kailangang sariwa, nalinis ng mabuti at tinanggalan ng lamang loob tulad ng hasang at bituka bago lutuin ang mga ito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dagdag-singil ng Manila Water, kasado na sa Abril; Maynilad, may rolbak naman

Thu Mar 11 , 2021
ASAHAN na umano ng mga kustomer ng Manila Water Company, Inc. ang mas mataas na singil ng tubig habang magbababa naman ang Maynilad Water Services Inc., sa ikalawang bahagi ng taong 2021. Ito ay makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang quarterly adjustment ng water distribution utilities. […]

Follow Us

%d bloggers like this: