“Rampa Manila Season 2,” inilunsad ng lungsod ng Maynila


PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paglulunsad ng “Rampa Manila 2024 Season 2,” isang proyekto ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ayon sa alkalde, tampok sa gagawing fashion show ngayong taon ang mga produktong ibinibenta sa Divisoria kaya naman ang tema ng aktibidad ay “Textile, Texture, and Technique.”

Ang Rampa Manila Season 2 na muling gaganapin sa Maynila ay kalahok ang mga batang fashion designer upang maipamalas ang kanilang talento sa pagdidisensyo tulad nina Anthony Ramirez, Neric Beltran, Marc Rancy, Val Taguba at Jhobes Estrella.

Ang aktibidad ay idaraos sa Hunyo 19, 2024 sa Bulwagang Rodriquez sa Manila City Hall bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila.

Sinabi ni Lacuna na layon ng aktibidad na pataasin ang antas ng industriya ng fashion hindi lamang sa Maynila kundi sa buong Pilipinas.

Bukod dito, makakapagbigay din ng inspirasyon ang aktibidad sa mga batang nais pumasok sa larangan ng fashion.

Maliban sa mga batang fashion designer, magtatampok din ng kanilang likha ang tatlong respetadong fashion designer na sina Dhenyze Guevarra, Marissette Magalona at Joana Santos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.