Raid sa cybersex den sa Caloocan: isa nasagip, lima arestado

KULUNGAN ang bagsak ng limang katao at isa naman ang na-rescue matapos salakayin ng pulisya ang isa umanong cybersex den sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ang mga naaresto ay kinilala na sina Carlos Carpio Jr, alyas “Carla,” 25 anyos, (Gay), John Vincent Angeles, 19 anyos, (Gay), Michael Legazpi, 18 anyos, (Guy), Joel Pascual, 24 anyos, (Gay) at Marc Ryan Carpio, 26 anyos.

Sa ulat, personal na nagtungo sa opisina ng North Metro Manila District Field Unit – Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (NMMDFU CIDG NCR) ang isang confidential informant upang ireport na ang kanyang kaibigan na si John Jover Pasig, 20 anyos, (Gay) ay ikinulong umano sa loob ng bahay ni alyas Carla sa No. 465 Interior 3, Heroes Del 96, Brgy. 73, Caloocan City at napilitang magtrabaho sa isang cybersex den bilang bayad umano nito sa kanyang mga utang.

Agad ikinasa ng mga operatiba ng CIDG North District Field Unit (NDFU), kasama ang WCPS-Northern Police District (NPD) at District Special Operations Unit-NPD ang rescue operation sa naturang lugar dakong alas-5 ng hapon na nagresulta sa pagkakasagip sa biktima at pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktuhan ang ilan sa mga ito na nakahubad habang gumagawa ng perverted at indecent acts sa harap ng mga personal computer na may webcam.

Nakumpiska ng pulisya ang dalawang set ng personal computer; isang 32-inch colored monitor; dalawang Dildo (sex toys); isang bottle ng liquid lubricant; isang wearable fake silicone breast; 14 pirasong assorted condom; apat na pirasong assorted colored hair wig; at assorted sexy costumes/clothing.

Ayon sa pulisya, ang mga naarestong suspek ay kilala bilang mga miyembro ng “CARLA Group” na responsable umano sa pag-ooperate ng mga cybersex den sa area ng CAMANAVA.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in person) RA 10175 (Anti-Cyber Crime Law, Art. 268 (Slight Illegal Detention) and Art. 201 (Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows) ng Revised Penal Code.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.