QC-pulis na napatay sa engkuwentro, ginawaran ng posthumous merit medal

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Philippine National Police (PNP) chief, General Nicolas Torre III sa naulilang pamilya ng nasawing pulis na nakaburol sa chapel ng Camp Karingal sa Quezon City nitong Martes.

Sa kaniyang pagdalaw, ginawaran ni Torre ng posthumous merit medalya ng kgitingan ang nasawing si Patrolman Harwin Curtney Liggayu Baggay.

Si Baggay, 28, ay isang binata kaya ang medalya ng kadakilaan ay tinanggap ng kanyang mga magulang.

Kasabay nito, ginawaran din ng medalya ng kagalingan ni Torre ang pulis na kasama ni Baggay na nagresponde na si Patrolman Robert Floralde Gregorio.

Nagluksa naman ang buong Quezon City Police District (QCPD) at National Capital Region Police Office sa pagkamatay ni Patrolman Harwin Curtney Baggay sa armadong engkwentro sa isang holdaper nitong Lunes.

Sa isang pahayag, nangako rin ang QCPD ng “full support” sa pamilya ni Baggay.

“The QCPD mourns the untimely passing of a courageous and dedicated public servant who made the ultimate sacrifice in the performance of his sworn duty,” batay sa inilabas na pahayag ng QCPD.

“We extend our deepest condolences to the family and loved ones of Patrolman Harwin Curtney Baggay and assure them of our full support in this time of grief,” dagdag pa sa pahayag.

Sinabi naman ng NCRPO na si Baggay ay “isang bayani sa ating lahat” at ang kanyang katapangan sa harap ng panganib ay sumasalamin sa pinakamataas na mithiin ng paglilingkod sa pulisya.

“His sacrifice must compel us to serve with greater vigilance, dedication, and purpose,” sa hiwalay na pahayag na inilabas ng NCRPO.

“We offer our deepest respect and condolences to the family of Patrolman Baggay. We will extend all the necessary assistance to the bereaved family in full recognition of his duty and sacrifice,” dagdag pa sa pahayag.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.