QC Prosecutors Office, nag-isyu ng subpoena laban kay Cardema

Share this information:

NAGPALABAS ngayon ang Quezon City Prosecutors Office ng subpoena laban kay National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.

Ang subpoena ay kaugnay sa mga kasong cyber unjust vexation at cyber libel na isinampa ni dating Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon kay Cardema.

Si Cardema ay inutusang dumalo ni QC Assistant Prosecutor Raphael Joseph Seares sa Preliminary Investigation na gaganapin sa Agosto 4 at 11 alas-10 ng umaga.

Nakasaad din sa subpoena na walang mga Motion to Dismiss ang tatanggapin at hindi rin papayagan ang anumang pagpapaliban sa pagdinig sa pagsasagawa ng Preliminary Investigation.

Tanging Counter Affidavit lamang ang tatanggapin ng piskalya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.