Pusher, timbog sa shabu sa Malabon

Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 anyos, ng Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

Ayon sa ulat, dakong 11:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSgt. Julius Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni P/Capt. John David Chua sa kahabaan ng M.H. Del Pilar corner Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 18 gramo ng shabu na tinatayang nasa P122,400.00 ang halaga at buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.