Pulis, nabulag dahil sa pananakit ng police colonel

Share this information:

NAHAHARAP ngayon sa iba’t-ibang kasong administratibo ang isang police colonel sa Albay na inakusahang nanakit sa isang police sergeant na naging dahilan upang mabulag ang kaliwang mata nito.

Sinibak na sa kanyang puwesto si Police Colonel Dulnoan Dinamling, Jr. makaraang saktan nito sa pamamagitan ng pagtusok ng basag na baso sa kaliwang mata si Police Master Sergeant Ricky Brabante, na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion 5.

Nangyari ang insidente noong madaling araw ng Nobyembre 12 sa loob ng Police Regional Office 5 sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City, Albay.

Inimbitahan umano si Dinamling ng kanyang kaklase sa Philippine National Police Academy Class 1998 na si Police Colonel Clarence Gomeyac para ipagdiwang ang kaarawan nito.

Dakong ala-una ng madaling araw nang mag-ikot sa kampo si Brabante upang gisingin ang sarili dahil siya ang inatasang maglinis pagkatapos ng pagtitipon.

Napansin umano ni Brabante ang grupo ng mga junior police officer ng kanilang batalyon at nilapitan upang pagsabihan na sumilong muna dahil umuulan ng sandaling iyon.

Hindi umano agad nakita ni Brabante si Dimanling na kausap ng mga junior officer at nabahala ito nang makilala na ang opisyal at sinubukang umalis ngunit hinabol siya ng huli. Nang maabutan ay doon na pinalo ng basag na bote ang kaliwang mata ng biktima. Bagama’t napaluhod na ay tinangka pa umano ni Dimanling na atakihin muli si Brabante ngunit napigilan na siya ng iba pang mga pulis sa lugar.

Nagpapagaling na sa ospital si Brabante ngunit permanente na umano ang pagkabulag nito dahil sa nangyari.

Ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos, iniutos na nito ang pagsisiyasat sa insidente, gayundin ang pagsibak kay Dinamling mula sa Aviation Security Group Region 5 na pansamantalang itinalaga sa Personnel Holding and Accounting Section ng PNP Aviation Security Group sa Pasay City.

We do not condone any act of violence within the organization as much as we uphold the right of every accused to due process,” diin ni Carlos.

We maintain the integrity of the investigation giving equal right to both parties involved. Rank may have its privileges but it can never justify abuse of power and drunken misconduct, and PCol Dinamling will have to face the consequences of his actions,” dagdag ni Carlos.

Tiniyak naman ng Philippine National Police na sasagutin nito ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ni Brabante.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Davao Oriental, dalawang beses niyanig ng lindol

Sat Nov 20 , 2021
DALAWANG beses na niyanig ng mahigit Magnitude 5 na lindol ang bayan ng Tarragona, Davao Oriental, Sabado ng madaling araw. Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang unang pagyanig na may magnitude 5.2 dakong alas-4:08 ng madaling araw na may lalim na tatlong kilometro at tectonic ang […]
%d bloggers like this: