Davao Oriental, dalawang beses niyanig ng lindol

DALAWANG beses na niyanig ng mahigit Magnitude 5 na lindol ang bayan ng Tarragona, Davao Oriental, Sabado ng madaling araw.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang unang pagyanig na may magnitude 5.2 dakong alas-4:08 ng madaling araw na may lalim na tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman naman ang Intensity II sa mga bayan ng Tarragona, Manay, Baganga, at Caraga sa Davao Oriental habang Intensity I sa Digos City, Davao Del Sur.

Bandang alas-4:13 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 5.4 na lindol sa Tarragona at naramdaman din ang katulad na intensity sa kaparehong mga lugar.

Hindi na inaasahan ng PHIVOLCS na magdudulot ng pinsala ang pagyanig, ngunit posible pa rin ang aftershocks.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.