Pulis na inireklamo dahil sa kalaswaan, pinai-imbestigahan na

Share this information:

IPINAGUTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na imbestigahan ang ginawang kalaswaan umano ng isang police major sa isang saleslady sa Legazpi City.

Nangyari ang insidente noong Martes, ika-14 ng Setyembre, sa isang kilalang mall sa naturang lugar.

Ayon sa impormasyon, nagulat na lamang ang biktima ng lapitan ito ng pulis na nakasuot pang sibilyan, at ginawa ang kalaswaan sa harap mismo ng saleslady.

Dahil dito, pinag-utos ni Eleazar na isailalim din sa psycho fitness test ang nasabing police major.

Pulis man o sibilyan, walang taong nasa katinuan ng pag-iisip ang gagawa nito kaya inatasan ko na ang RD, PRO5 na imbestigahan at gumawa ng karampatang aksyon tungkol dito. Kasabay din sa aking utos ang pagpapasailalim sa nararapat na medical intervention sa pulis na ito upang maagapan kung ano man ang kanyang pinagdadaanan,” sinabi ni PGen. Eleazar.

Nais din ni Eleazar na magpaliwanag ang sangkot na pulis at humarap sa disciplinary action para sa kanyang maling inasal.

Humingi naman ng tawad si Eleazar sa biktima, pamilya nito, pamunuan ng mall at sa mamamayang Pilipino dahil sa maling asal na ginawa ng kanilang kasamahan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.