Pulis-Maynila, dinukot ng armadong grupo

Share this information:

TINANGAY ang isang pulis Maynila kahapon Pebrero 18, 2021, ayon sa kumpirnasyon ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ngayong araw ng Biyernes.

Ayon kay MPD Director Police Brig. General Leo Francisco, nasa 4 hanggang 5 katao ang dumukot kay Police Corporal Allan Hilario na nakatalaga sa MPD-Station 11 bilang police assistance desk officer.

Sinabi ni Francisco na dumulog ang pamilya ng biktima sa MPD kaya agad na nagsagawa ng pagsisiyasat.

Sa ngayon ay inaalam na ng MPD ang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa pagdukot sa biktima sa Sto Cristo St corner San Fernando St, Biinondo, Maynila.

Ayon pa kay Francisco, base sa CCTV nakunan ang sasakyan na ginamit sa pagdukot kaya pinatsek na ito sa PNP-SPG at LTO para malaman kung sino ang may-ari nito.

Inaalam na rin kung may kinasasangkutang kaso ang pulis o may matinding nakaaway sa trabaho ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.