Isa sa mga suspek sa jewelry holdup sa Maynila, arestado

Share this information:

Laglag na sa kamay ng kapulisan ang isa sa umano’y nangholdap sa isang jewelry shop sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang follow up operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Theft and Robbery Section  upang madakip ang dalawa pang kasabwat ng naarestong suspek na si Ken Marbella, 45 taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Theft and Robbery, si Marbella ay naaresto sa kanyang  bahay sa Martinez Compound, Paso De Blas, Valenzuela City ng mga awtoridad.

Hindi naman makapagbigay pa ng ibang impormasyon ang may hawak ng kaso na si PCpl. Roben Bautista  dahil sa nagpapatuloy na follow up operation para sa iba pang naging kasabwat umano ng suspek.

Matatandaan na hinoldap ng tatlong kalalakihan ang Dulo’s jewelry shop na matatagpuan sa Recto Avenue kanto ng F. Torres, Sta. Cruz, Maynila kung saan natangayan ng mahigit isang milyong cash at alahas ang may-ari nito na isang Filipino-Chinese na si Dulo Cai. 

Nakuhanan naman sa CCTV ang panghoholdap ng tatlong kalalakihan na naging daan upang maaresto ang isa sa mga ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pulis Maynila, dinisarmahan dahil sa accidental firing sa MPD HQ

Fri Feb 12 , 2021
Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang hindi sinasadyang pagpapaputok ng baril ng isang tauhan ng MPD-Anti carnapping unit (MPD-ANCAR) sa loob mismo ng MPD headquarters kaninang umaga. Ayon sa  MPD-General Assignment Section, inilipat na ang pag -iimbestiga  kay PCpl. Rodolfo Fajardo sa MPD-ANCAR. Si Fajardo ay nakatalaga sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: