Public masses, religious activities sa Semana Santa, tuloy — Bishop Pabillo

Share this information:

Tiniyak ni Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Arkidiyosesis ng Maynila, na ipagpapatuloy nila ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa, kabilang na ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

Sa kabila ito ng inilabas na bagong alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon at mga kalapit na lalawigan.

Nanindigan si Pabillo na nilabag ng IATF ang religious freedom at separation of church and state dahil sa paglalabas ng kautusan ng walang konsultasyon.

Dahil dito, tuluy-tuloy aniya ang kanilang mga aktibidad ngunit limitado ito at mayroong physical distancing habang mayroon rin silang mga online activities para sa mamamayan na nais na tumanggap ng Eukaristiya sa loob ng kanilang mga tahanan.

So, diyan mali na sila at hindi dapat tayo sumunod sa ganiyang pamamalakad na walang konsultasyon and it somehow breaks the separation of church ang state, sila ang nagse-separate ngayon. Sila na ang tumatanggi sa separation at ‘yan ang sinasabi na hindi pwedeng pagbawalan ng state ang religious activities within their own ambient,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Barangay Simbayanan Apostolic visit on-air ng church-run Radio Veritas.

Kaya tuloy tayo sa ating activities. Limited na mayroon tayong social distancing, tuloy tayo sa ating online activities, ini-encourage natin pero kung sinong faithful na gustong um-attend within our limits at tayo ang maglilimita sa loob ng simbahan natin, hindi sila, ipagpapatuloy natin,” dagdag pa ng obispo.

Tiniyak naman ng obispo na itatakda rin ng simbahan ang mga nararapat na limitasyon at safety health standard para na rin sa kaligtasan ng publiko mula sa nakakahawang sakit.

Dapat magsalita tayo at saka we believe religious services are essential services, they may not be essential economically but they are very essential to our well-being,” giit pa ni Pabillo.

Nilinaw naman ni Pabillo na wala silang inorganisang aktibidad sa labas ng simbahan at lahat ay puro sa loob ng simbahan lamang.

Base sa inilabas ng kautusan ng IATF, 10 katao lamang ang papayagang makapagsimba sa mga parokya na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na umiiral sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o tinawag na ‘NCR Plus.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.