Provincial bus routes mula Davao at Pampanga patungong NCR, binuksan na

Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga ruta sa pampublikong sasakyan mula Davao, Pampanga papasok sa National Capital Region (NCR) epektibo kahapon, araw ng Biyernes, Oktubre 16, 2020.

Ang naturang hakbang ayon sa LTFRB ay alinsunod sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan ang mga rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) na naglalayong makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.

Nakasaad sa Memorandum Circular 2020-051 ang pagbibigay-daan ng LTFRB sa pagbubukas ng Provincial Bus Routes papasok ng Metro Manila. Bawat ruta ay dumaan sa masusing pag-aaral ng ahensya at sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan.

Narito ang mga binuksang provincial bus routes:

1. Dau, Mabalacat, Pampanga – Araneta Center, Cubao

2. Davao City, Davao Del Sur – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna

Mayroong 5 units para sa ruta ng Dau, Mabalacat, Pampanga papuntang Araneta Center, Cubao, samantalang 14 units naman ang pinayagan para sa ruta ng Davao City, Davao Del Sur hanggang Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna.

Mananatili naman ang mahigpit na pagpapatupad ng 7 COMMANDMENTS para sa mga PASAHERO, DRAYBER, OPERATOR at KONDUKTOR ng pampublikong transportasyon:

1. Magsuot ng face mask at face shield

2. Bawal ang pagsasalita, pakikpag-usap o pagsagot ng telepono

3. Bawal ang pagkain

4. Kailangang may sapat na ventilation

5. Kailangang may frequent disinfection

6. Bawal magsakay ng symptomatic passenger

7. Kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing (one seat apart)

Ang mga health and sanitation protocols na ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng mga health experts na kinakailangang isapuso at sundin ng mga pasahero, driver, konduktor, at maging ng mga operator.

Patuloy na magbubukas ang LTFRB ng mga bagong ruta ng PUV sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.