Balik muli sa normal na operasyon ang Pasig River Ferry Service.
Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos alisin ang lahat ng tambak na water hyacinths sa Pasig River na tila umatake sa naturang ilog.
May biyahe ang ferry ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi mula Pinagbuhatan-Guadalupe-Escolta at vice versa, mula Lunes hanggang Sabado.
Ang mga bukas na ferry stations ay Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Sta. Ana, Lawton, Escolta, San Joaquin at Pinagbuhatan.
Pinaalalahanan ang mga pasahero na sundin pa rin ang mandatory health and safety protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask, face shield, magpakuha ng temperature, at magfill-out ng manifest at commuter information sheet bago sumakay.
Umabot sa 1,350 cubic meter ng water hyacinths ang nakolekta mula sa Pasig River simula lamang Oktubre 1 hanggang Oktubre 14 ng taong kasalukuyan.