Breaking News

Share this information:

ISANG pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal ng Philippine Army at ni Secretary Casimiro “Ito” Ynares, ang Presidential Adviser for Southern Tagalog at Chairperson ng Calabarzon Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang ginanap sa tanggapan nito.

Malugod na tinanggap ni Sec. Ynares ang mga opisyal ng 202nd Infantry Brigade at 80th Infantry Battalion na pinangunahan nina BGen. Alex Rillera, Commander 202nd Brigade; Lt. Col. Bernard Zildo Fernandez, Commanding Officer, 80th Infantry Battalion; Capt. Jerome Mandocdoc, Civil-Military Operations Officer, 202nd Brigade; at Capt. Loui Legarde, Acting Operations Officer, 80th Infantry Battalion.

Sa kanilang pagpupulong ay inilahad ng militar ang kasalukuyang programa na nakapaloob sa RTF-ELCAC at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para sa mga rebeldeng kasapi ng CPP-NPA-NDF na gustong magbalik-loob sa pamahalaan at ang mga programa na ibinibigay sa mga sumuko katulad ng pangkabuhayan, pabahay, tulong-pinansyal at iba pa.

Binigyan din ng kopya si Sec. Ynares ng libro na pinamagatang “Bringing the Peace to the Heart of the Enemy” na nilimbag ng Philippine Army.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: