Price freeze sa baboy at manok ire-rekomenda ng DA kay PRRD

Share this information:

INIREREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy at manok sa gitna ng patuloy pa pagtaas ng halaga nito sa mga pamilihan.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, ipatatakda sa P270 ang presyo ng kada kilo ng kasim habang P300 sa kada kilo ng liyempo.

Itatakda naman sa P160 ang price ceiling sa kada kilo ng manok.

Sinabi ni Reyes na dumaan naman sa konsultasyon ng hog raisers at traders gayundin ng local government units at iba pang stakeholders ang usapin ng price freeze.

Nakapaloob ang rekomendasyon sa Resolusyon na isusumite sa punong ehekutibo para kaukulang pag-apruba.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DILG to review its own 1992 agreement with UP

Sat Jan 23 , 2021
The Department of the Interior and Local Government (DILG) will call for a meeting with officials of the University of the Philippines (UP) next week for a review of its own 1992 UP-DILG agreement which limits police presence in UP campuses. DILG Undersecretary Jonathan Malaya said they want to find […]

Follow Us

%d bloggers like this: