13 patay sa pagsisilbi ng arrest warrant sa Maguindanao

Share this information:

UMABOT sa 13 ang napatay nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng pulisya at ng grupong pagsisilbihan sana ng warrant of arrest sa Sultan Kudarat, Maguindanao, Sabado ng umaga.

Sa ulat na ipinarating ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-BARMM), dakong alas-tres ng madaling araw nang mauwi sa sagupaan ang pagsisilbi sana ng arrest at search warrant kay dating barangay Limbo chairman Pendatun Kato Talusan at limang iba pa na nahaharap sa kasong double frustrated murder, robbery at homicide.

Pumalag umano si Talusan at kanyang mga kapatid na nagresulta ng bakbakan na tumagal ng tinatayang anim na oras.

Sinasabing kasama sa mga nasawi si Talusan gayundin ang isang pulis. Sugatan naman tatlo pang pulis at sila ay dinala na sa Cotabato Sanitarium hospital.

Nabatid pa mula sa CIDG na ang Talusan group, kasama ang sub-leader na si Abdullah Talusan, ay notoryoso sa serye ng pamamaril sa mga pulis at sundalo sa Sultan Kudarat at Cotabato City.

Sangkot din umano ang grupo sa illegal drug trade, carnapping, robbery, at extortion.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Price freeze sa baboy at manok ire-rekomenda ng DA kay PRRD

Sat Jan 23 , 2021
INIREREKOMENDA ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price freeze sa karne ng baboy at manok sa gitna ng patuloy pa pagtaas ng halaga nito sa mga pamilihan. Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, ipatatakda sa P270 ang presyo ng kada kilo ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: